47 benepisyaryo sa Daraga, Albay, tumanggap ng cash aid sa tulong ng TUPAD program ng DOLE Bicol

LEGAZPI CITY – Apatnapu’t pitong mga benepisyaryo sa bayan ng Daraga sa lalawigan ng Albay ang tumanggap ng cash aid mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa pakikipagtulungan rin ng Local Government Unit (LGU) Daraga ng nasabing lalawigan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Ayon sa LGU Daraga, aabot sa P3, 450 na cash aid ang natanggap ng 32 benepisyaryo mula sa Brgy. Malabog at ng 15 mula sa Brgy. Salvacion ng nasabing bayan.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Ang DOLE TUPAD isa sa mga programa na nagbibigay ng pansamantalang trabaho para sa mga displaced, under employed at seasonal workers na naapektohan ng COVID-19 pandemic.