67-anyos na ina, sinaksak ng anak sa Naga City

NAGA CITY- Sugatan ang 67-anyos na ginang matapos na saksakin ng kaniyang sariling anak sa Naga City.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang alas – 6:45 kaninang umaga August 28, 2022 sa Brgy. Concepcion Pequeña.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kinilala ang biktima na si Elizabeth Francisco y Bringuela. Pumasok sa bahay ang nasa impluwensya ng alak na anak na si

Hegino Francisco y Bringuela, 38-anyos binata ng parehong lugar.

Kinumpronta ng suspek ang ina sa dati nang problema sa pamilya at nauwi sa pananaksak ng magkailang beses.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Dinala na sa ospital ang biktima.Ayon kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office anim na mababaw na sugat ang natamo ni Elizabeth.

Patuloy na tinutugis ang suspek.