Dalagita, nagtampo sa boyfriend umakyat sa bundok, inakalang magpapakamatay

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO, BFP AT PNP ng San Vicente Palawan matapos na makatanggap ng tawag ng tangkang umanong pagpapakamatay ng isang babae bandang 1:45 ngayong hapon ng Linggo sa Purok Sampaguita Bgy. Poblacion, San Vicente Palawan.

Sa lugar ay inabutan ng mga awtoridad ang isang 15 anyos na dalagita na alyas Lesley.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa Panayam ng Brigada News sa Head ng MSWDO-San Vicente na si Jenelyn Laro, ang dalagita ay hindi magpapakamatay bagkus ay nagtatampo lamang sa kanyang Boyfriend.

Napag-alaman na bandang alas Otso ng umaga ng pumunta ang dalaga sa bahay ng kanyang boyfriend sa Sitio Panindigan sa kaparehong barangay upang kumuha ng gamit.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hindi umano ito “na-entertain” ng kanyang kasintahan dahil naglalaba umano ito dahilan ng pagtatampo ng dalaga.

Nang umuwi ito ay nagmessage nalang umano ito sa kanyang boyfriend na nasa itaas na ito ng bundok.

Matapos makuha sa itaas ay dinala ito sa MSWD Office at kalauna’y pinauwi makaraan ang ilang oras matapos na makapangiti at mapakalma ng lambing ng kanyang kasintahan.