Isang estudyante tinangay ng buwaya sa Palawan

Sinakmal ng buwaya ang isang estudyante sa Barangay Canipaan, Rizal Palawan.

Ayon kay Termegie Tarbok Administrative aide III, Muslim Community Affairs Program sa ilalim ng  Municipal Mayor.

Kahapon umano ng umaga nangyari ang pag-atake ng buwaya.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Anya, nangangawil lamang ang biktimang  si Antonio Cardejon III, kasama ang mga barkada nito nang siya ay sakmalin ng hayop matapos na bumaba sa ilog.

Ayon pa kay Termegie bandang alas-singko ng hapon nitong Linggo nang umalis siya  sa lugar ay hindi pa rin nakukuha ang bata, na kung saan kitang-kita pa ng mga residente na kagat kagat pa rin ang bata.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Samantala, ngayong araw ay itutuloy ang paghahanap sa binatilyo.