City Council, tiwala na hindi magtatagal ay maaayos na rin ang problema sa supply ng tubig sa lungsod

SORSOGON CITY – Naniniwala si City Councilor Bryan Pingul na sa lalong madaling panahon ay maaayos na rin ang suplay ng tubig ng Sorsogon City Prime Water (SCPW) sa lungsod.

Sa pahayag ng opisyal sinabi nito na pinanghahawakan umano niya ang ibinigay na kasiguruhan ng nasabing opisina matapos na ipatawag ng 8th City Council upang papagpaliwanagin kaugnay sa nararanasang problema sa suplay ng tubig sa syudad.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Anya, katunayan sa kasalukuyan ay patuloy ang paglilinis na ginagawa ng SCPW sa kanilang mga tubo bukod pa sa pangakong lilinisin din nito ang kanilang hanay.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kaugnay nito, umaasa ang opisyal na kapag natapos na ang nasabing aktibidad ay magkakaroon na ng malinis at maiinom na suplay ng tubig ang lungsod. Mababatid na hiniling ng nasabing konsehal sa konseho na ipatawag ang SCPW dahil sa tambak na reklamo kaugnay ng palpak na serbisyo nito.