SORSOGON CITY – May pag-asa pang makabangon at makarekober ang mga taong mayrooon addiction sa paninigarilyo.
Ito ang tiniyak ni Health Justice Philippines Managing Director Atty. Jackie Zarita.
Ayon dito, bukod sa mga Smoking Cessation Program ng Department Of Health kung saan mayroong numerong maaaring tawagan ang mga actual smoker upang mabigyan sila ng counseling o behavior therapy ng mga Cessation experts, pinakamabisang paraan umano ayon sa mga doktor upang makapag-quit sa paninigarilyo ang isang smoker ay ang biglaang pagdedesisyon na hindi na nga siya maninigarilyo.
Katunayan aniya, ay marami na silang mga salysay na nagpapatunay na ang nasabing paraan ay talagang epektibo. Kaugnay nito, panawagan ni Zarita sa mga lulong sa sigarilyo at nagnanais na makaalpas mula sa kanilang adiksyon na huwag mawawalan ng pag-asa dahil mayroong mga pamamaraan upang matakasan nila ang nasabing bisyo.
