130 kabataan sa Gitnang Luzon, kinilala sa isinagawang YFC 2022

Kinilala ng Department of Agriculture ang 130 kabataang pasok sa Provincial Level Competition Awardees sa ilalim ng Young Farmers Challenge Program (YFC) Program FY 2022.

Ito ay ginanap nakalipas na araw ng Huwebes sa Syudad ng San Fernando sa Pampang.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ang YFC Program 2022 ay isang kompetisyon sa mga kabataang may edad 18 hanggang 30 taong gulang at Filipino Citizen na nais magsimula ng agribusiness, production, value-adding at agri-innovation.

Layon nitong mahikayat ang bagong henerasyon ng kabataan na pasukin at subukan ang sektor ng pagsasaka o pangingisda.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Bilang panimulang kapital sa kanilang napiling agri-negosyo, ang mga nanalong individual enterprise ay makatatangap ng Php 50,000, samantalang Php 100,000 ang makukuha ng mga group enterprise.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA CENTRAL LUZON