99 anyos na lola sa Albay at aktres na si Barbie Imperial, ilan sa highlights ng Grand Santacruzan mamaya

LEGAZPI CITY – Nakatakda nang isagawa mamayang hapon ang Grand Santacruzan sa Legazpi City, lalawigan ng Albay kung saan ilan sa mga inaabangan ay ang Reyna Emperatris na gagampanan ng isang 99 anyos na lola na si Ester Del Rosario mula sa bayan ng Sto. Domingo at ang Albayang actress and celebrity na si Barbie Imperial bilang Reyna Elena.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay Provincial Tourism, Culture and the Arts Office head Dorothy Colle, ikinalukugod nila ang pagkakabilang ni Lola Ester sa Sagala na siya ring 1st Princess ng Peñafrancia Festival noong taong 1947.

Kaugnay ng nasabing aktibidad, nagpalabas na ang lokal na pamahalaan ng Legazpi ng traffic advisory, kung saan magkakaroon ng road closure alas tres ng hapon, bandang alas 4 ng hapon magtitipun-tipon at sisimulan ang Sagala pagsapit ng alas 5 ng hapon sa may Vel-Amor Subdivision papuntang Peñaranda Park ng lungsod.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Samantala, nananawagan naman si Public Safety Officer Chief Rolly Esguerra ng pang-unawa lalo na sa mga riding public at commuters.