92% ng siyudad sa Pilipinas, high-risk sa COVID-19 – DOH

Nananatiling nasa high risk classification ng COVID-19 ang 92% ng mga siyudad sa buong Pilipinas.

Ayon sa ulat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Cabinet briefing, 91.73% o 111 mula sa 121 na highly urbanized at independent component cities pa rin ang nasa high risk level.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

82% umano sa mga siyudad na ito ay mataas na rin ang healthcare at ICU utilization rates.

Dagdag pa ni Duque, nakakapagtala ng 83 COVID-19 deaths ang Pilipinas kada araw sa unang dalawang linggo ng Setyembre habang 131 deaths daily noong Agosto nang makaranas ng pagsipa ang bansa ng kaso dahil sa pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Aniya ang case fatality rate para sa mga edad 50 hanggang 80 pataas ay ay 4.9 percent habang 0.39% naman rito ang may edad 49 pababa.