Jennifer Lopez, nag-file ng divorce sa kanyang asawa na si Ben Affleck

Matapos ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa tuluyan ng tinuldukan nina Jennifer Lopez at Ben Affleck ang kanilang relasyon.

Ito ay matapos maghain ng divorce ang award-winning singer-actress na si Jennifer Lopez sa Los Angeles County Superior Court noong Agosto 20, 2024, sakto ito sa mismong araw ng pagdiriwang nila ng second wedding anniversary.

Read More:  Bela Padilla refuses to discuss rumored rift with Kim Chiu, Angelica Panganiban
Read More:  Jennylyn Mercado says she and husband Dennis Trillo are ‘extra protective’ of their children

Sa ngayon wala pang pahayag si Lopez kung may prenuptial agreement sila ng kanyang asawa bago tuluyang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Unang na-link ang dalawang Hollywood star noong 2001 nang magkasama sila sa isang pelikula.