PDRRMO So.Cot bukas sa mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette

KORONADAL CITY- PATULOY na tumatanggap ng mga in-kind at cash donations ang provincial government ng South Cotabato sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO para sa mga biktima ng bagyong Odette.

Ito ay para sa ikalawang round ng delivery ng mga ayuda sa mga biktima.

Napag-alaman na bukas 24 oras ang PDRRMO sa pagtanggap ng mga donasyon.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Kabilang sa mga relief goods na kailangan ng mga biktima ng bagyo ang mga kumot, hygiene kits, bottled water, face mask, alcohol, bigas, ready to eat na mga pagkain, flash light at batteries.

Maaari ding magbigay ng cash donations.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Napiling bigyan ng tulong ng South Cotabato ang Surigao City na isa sa mga malalang naapektuhan ng bagyo batay sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense o OCD.

Sa mga gustong mag-donate, makipag-ugnayan lamang sa PDRRMO sa hotline number 09198292106 at 09054866285 o idrop-off sa PDRRMO – South Cotabato Office sa Compound ng Provincial Engineering Office (PEO) malapit sa Rizal Park.