9 paaralan sa region 12, magpapatupad ng face-to-face classes

KORONADAL CITY- SIYAM na mga paaralan sa Soccsksargen region ang kabilang sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa bansa na magsisimula na sa November 15. Ito ang inihayag ni Department of Education o DepEd 12 information officer Antonio Maganto.

Napag-alaman na pito sa naturang mga paaralan ay nasa Saranggani province, ang Pag-asa Integrated Schools sa Alabel; James L. Chiongbian National High School sa Kiamba; Colon National High School sa Maasim; Maguling National High School sa Maitum; Daan Suyan Elementary School sa Malapatan; at Baliton Elementary School at Lamlifew IP Integrated School sa Malungon. Samantala, dalawa naman sa mga ito ay nasa Cotabato province ang PACO National High School sa Kidapawan City at Bato Elem. School sa Makilala.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu


Ayon kay Maganto na 24 na mga paaralan ang inendorso ng DepEd Region 12 para sa limited face-to-face classes, ngunit 9 lamang ang naaprubahan at na-qualify batay sa COVID 19 risk assessment ng Department of Health (DOH) at DepEd.
Aniya, kinonsidera ng DOH sa assessment ang mga lugar na may mababa o walang kaso ng COVID 19 at nasa low risk areas.
Nilinaw ni Maganto na bagamat aprubado na ang pagpapatupad ng mga ito ng face-to-face classes, kailangan pa rin ang approval at endorsement ng mga local government units at consent ng mga magulang ng mga estudyante.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives