KORONADAL CITY- APAT na mga bata na ang namatay dahil sa ubo at lagnat sa Sitio Blit, Barangay Ned, Lake Sebu noong nakaraang lingo.
Inihayag ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na batay sa kanilang surveillance at case investigation, nasa 172 na mga indibidwal mula sa 9 na mga sitios ng Barangay Ned ang tinamaan ng influenza outbreak at pneumonia.
Ang mga ito ay nakaranas ng ubo, sipon at lagnat.

Agad namang nagbigay ng mga gamot ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) at nagsagawa ng information education campaign o IEC sa mga residente.
Sa ngayon, hinihintay pa ng IPHO ang resulta ng mga samples na ipinadala sa Manila upang matukoy kung ano ang sanhi ng biglang pagdami ng kaso ng trangkaso sa naturang lugar.
Samtang, iminumungkahi naman ni Aturdido ang paglalagay ng satellite barangay health center sa Blit upang mapalakas ang vaccination sa mga bata laban sa mga vaccine-preventable diseases lalo na’t mababa ang bilang mga batang nabakunahan dahil sa layo ng mga sitios.