9 na LGU sa Albay, mayroon nang evacuation centerS na magagamit sa oras ng kalamidad – APSEMO

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public and Safety Management Office (APSEMO) na may mga ipinagawa nang mga evacuation centers ang bawat lokal na pamahalaan sa tulong ng mga International Development Cooperation Agency tulad ng Japan at Spanish.

Ayon kay Dr. Cedric Daep, head ng APSEMO, mayroong siyam na evacuation centers ang nasabing lalawigan na magagamit sa oras ng kalamidad.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kabilang sa mga mayroong evacuation centers ay ang bayan ng Camalig, Guinobatan, Libon, Oas, Polangui, Manito, Legazpi, Sto Domingo at Daaraga.

Hindi pa kasama sa bilang ang mga ipinatayong pasilidad sa tulong ng nabanggit na bansa.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Dagdag pa nito, tuwing sinasalanta ng bagyo ang Albay ay umaabot sa humigit-kumulang 530,000 ang populasyon na nasa evacuation center.

Sinabi ng opisyal, kumpleto umano ang evacuation centers sa lalawigan kung saan karamihang mga ginagamit ay mga paaralan.