9 na kabataan sa Albay, kabilang sa mga kwalipikadong aplikante sa 2024 RSTOBY

LEGAZPI CITY – Napabilang sa listahan ng mga kwapilikadong aplikante sa 2024 Regional Search for Ten Outstanding 4Ps Bicolano Youth (RSTOBY) ang 9 na mga Albayano mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol, kabilang ang siyam na mga kabataan mula sa 25 aplikante mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon na nakapasa sa deliberasyon at balidasyon ng ahensya.

Dadaan sila sa online panel interview sa darating Agosto 13 at 14, habang ang kasama sa mga kwapilikado ay mula sa Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Catanduanes, at Sorsogon.

Nilinaw naman ng ahensya na maaari pa rin namang magpasa ng aplikasyon sa susunod na taon ang mga kabataang hindi pinalad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *