9 katao arestado sa ilegal na pagsusugal sa Albay

LEGAZPI CITY – Hindi balakid ang nararanasang pandemya sa pagpapatubad ng Albay Kasurog Cops ng mga batas. At bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya kontra iligal na sugal at “No take policy”, muling nagsagawa ng magkakahiwalay na operasyon ang ibat-ibang himpilan ng pulisya sa Albay, na nagresulta sa pagkaka-aresto ng siyam na kalalakihan sa magkakahiwalay na lugar.

Ayon sa naitalang datos ng Albay PPO, apat na  “anti-illegal gambling operations” ang naisagawa na nagbunga ng pagkakaaresto ng 9 katao at pagkakumpiska ng Php 5, 370.00, bilang perang ginamit sa pagsusugal, at mga gamit sa nasabing iligal na aktibidad.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Unang naaresto ng mga tauhan ng Malilipot MPS  si alyas “Christopher”, 41-anyos, binata, walang trabaho, at residente ng P-4,Brgy. San Isidro, Malilipot, Albay, ikalawang naaresto bandang 1:30 naman ng hapon ng isagawa ng Manito MPS ang operasyon na nagresulta sa pagkaka-aresto kina alyas “Regner”, 63 anyos; alyas “Alfie”, 35-anyos; at alyas  “Rodante”, 49 anyos, na pawang mga taga Brgy. Buyo ng nasabing bayan at naaktuhan ng nga awtoridad na naglalaro ng “tong-its”. Nahuli rin si alyas ” Renard”, 23 anyos, binata at naninirahan sa P-5, Brgy. Barangwahon lungsod ng tabaco.

Huli din sa isinagawang “anti- illegal number games operation” ng mga tauhan ng CIDG RFU5 Intel Sec; Albay PFU Albay PPO at Guinobatan MPS sina alyas” Alvin”, 48 anyos, may asawa, residente ng P1, Brgy. Bololo, Guinobatan, Albay at supervisor ng pasugalan; alyas “Valenciano”, 64-anyos, may asawa, at taga P3, Brgy. Mauraro, Guinobatan, Albay na aktong tumataya sa pasugalan; alyas “Aljohn”, 23-anyos, binata; at alyas “Edgardo”, 51 anyos, may asawa, pawang naninirahan sa Brgy. Balolo ng kaparehong ng nasabing bayan at mga bet collector ng pasugalan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Nasa kostudiya na ng mga nasabing himpilan ang mga arestado, habang inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa kanila.