87K na mga evacuees sa Camarines Sur, umuwi na

NAGA CITY- 87, 424 katao o 22, 125 na mga pamilya ang inilikas sa Camarines Sur, ito ay base sa tala ng Provincial Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, ang mga ito ay pinayagan nang makauwi.

Ang decampment ay kinumpirma ni PDRRMO Chief Che Bermeo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang mga lumikas ay galing sa mga binabahang lugar, delikado sa pagguho ng lupa at storm surge. Nanatili sila sa 1, 197 na mga evacuation centers. Bukod sa pagkain na iniabot ng mga LGUs umikot din ang lorry truck ng provincial government para magbigay ng tubig.

Sa Buhi, sinabi ni LGU Spokesperson Mark Nazarea na nagkaroon muna nag assessment lalo na sa mga landslide prone areas. Ala-una ng hapon kahapon nang matapos ang decampment.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Zero casualty ang lalawigan sa pagdaan ng Bagyong Paeng.

Pero may pabaong abiso ang LGU, muling mag-antabay at maghanda para sa posibleng epekto ng Bagyong Queenie.