Nabigyan na ng Department of Trade and Industry ng safety seal ang nasa 15 na business establishment sa lalawigan ng Isabela mula sa 32 na nag-apply sa DTI Safety Seal Microsite.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang hindi pa nabibigyan mula sa 32 na nag-apply ay naka-iskedyul na para sa on-site inspeksyon ng DTI-Isabela.
Ang mga nagawarang establishimento ay binubuo ng mga groceries, supermarkets, at hardware stores sa Alicia, Echague, Cabagan, Tumauini, City of Cauayan, City of Ilagan at Santiago.
Dumaan ang mga ito sa masusing inspeksiyon at deliberasyon bago aprobahan ang aplikasyon at gawaran ng safety seal.
Layunin ng Safety Seal Certification Program na buksan ang ligtas na ekonomiya sa pamamagitan ng adbokasiyang pagsunod ng mga establishimento sa umiiral na minimum public health standards kung saan magkakaroon ng tiwala at kumpiyansa ang mga konsyumer.