800-year old na Mummy natagpuan sa bag ng Delivery rider?

LAKING gulat ng mga otoridad nang matagpuan ang isang mummy sa loob ng cooler bag ng isang delivery rider.

Imbes kasi na pagkain o anumang bagay ang makita sa loob isang  tinatayang 800-year old na Mummy sa isang bag ng delivery rider sa southeastern ng bansang Peru ang aksidenteng nakita.

Ang nasabing mummy ay pinangalanan niyang “Juanita” na kung saan ay pagmamay-ari niya at kasakasama niya rin sa kanyang pagtulog na ayon sa kanya ito ay kanyang itinuturing na “spiritual girlfriend”?

Dahil sa ginawa ng delivery rider, kinasuhan siya at maaring makulong sa kasong paglabag sa cultural heritage ng bansang Peru.

Ang mummification ay isinagawa ng maraming kultura sa bansang Peru, mahigit 7,000 taon na ang nakalilipas.

Ang ilang mga tao ay mas pinipiling itago na lang ang mga mummy sa kanilang mga tahanan o dinadala nila sa mga pagdiriwang habang ang iba ay inilibing. ### KENNETH BERMIL