Inilarawan ng asawa ni former Presidential Spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque na mapanghimasok ang mga katanungan ng House Quad Committee, na nilalabag umano ang kanyang right to privacy.
Pinasinungalingan din ni Roque ang alegasyong hindi niya pag sunod sa documentary requirements ng komite.
Tuwing nakikipagtulungan daw kasi siya sa kahilingan ng Kamara, nagbibigay aniya ang komite ng panibagong utos, na nagpapakitang walang kahit anong impormasyon ang magpapapasaya sa mga mambabatas.