8 lugar sa Koronadal, ni-lockdown dahil sa kaso ng Covid-19

KORONADAL CITY — WALONG mga lugar mula sa limang barangay sa Koronadal ang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ dahil sa kaso ng Covid-19.

Sa inilabas na Executive Order o EO No. 37 kabilang sa mga lugar na isinailalim sa ECQ ay ang Purok Mainuswagon sa Barangay Carpenter Hill; Purok Ilang-Ilang sa Barangay New Pangasinan; Marville Homes sa Barangay Sto. Nino; Purok Kaunlaran sa Barangay Zone 1 at Molinos Street, Purok Tony Ko; Blocks 1 & 7 ng Purok Sulatre; Odi-Pantua Street at Blocks 1 & 3 ng St. Gabriel Subdvision sa Barangay Zone III.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Tatagal ang implementasyon ng ECQ sa nabanggit na mga lugar hanggang Setyembre 9 ngayong taon.
Maliban dito, ipinatupad din ang clustering sa nasabing mga lugar kung saan dalawang myembro lamang ng pamilya ang pinapayagan makalabas para sa kanilang mga pangangailangan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa ilalim ng clustering, maaring makalabas sa araw ng Lunes at Huwebes ang mga residente ng Barangay Carpenter Hill habang sa araw naman ng Martes at Biyernes ang schedule ng mga taga Barangay Sto. Nino, New Pangasinan at Zone 3 samantala Miyerkules at Sabado ang para sa mga residente ng Barangay Zone 1.