8 Covid-19 positive nasawi kahit bakunado na

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Sorsogon Prov’l Health Office (PHO) na umabot sa 8 katao ang sumakabilang buhay matapos masapol ng Covid-19 kahit bakunado na.

Ayon kay Prov’l Health Officer Dr. Renato Bolo Jr., base sa kanilang talaan, sa kabuuang 286 na nasawi sa nasabing sakit, 7 dito ang fully vaccinated na habang ang isa ay nakatanggap pa lamang ng kanyang first dose.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Kinumpirma rin ng opisyal na batay sa kanilang pag-aaral, maraming senior citizen na fully vaccinated na ang nakaligtas mula sa pagkasawi kumpara sa mga hindi pa nabakunahan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Aniya pa, mas mataas ang tsansa na masawi ang isang Covid positive kung di pa ito bakunado o first dose pa lamang ang natatanggap kumpara sa mga fully vaccinated na.

Bunsod nito, patuloy ang panawagan ng PHO lalo na sa mga senior citizens na magpabakuna na kontra Covid-19.