74-anyos na lolo arestado sa kasong rape

SORSOGON CITY – Inaresto ng kapulisan ang isang 74-anyos na lolo sa kasong rape sa bayan ng Palanas, Masbate.

Kinilala ang akusado na si Dionito Zubito Guanzon, may asawa at naninirahan sa Brgy Sta cruz ng nasabing bayan.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Itinuturing na Top 1 Most Wanted Person ng Palanas Police ang naturang akusado.

Siya ay inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest.

Ang kaniyang warrant ay ibinaba ng RTC Br 48 sa kasong rape na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.