Naitala ng Department of Health (DOH) ang 7,217 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019, dahilan para lalo pang lomobo ang kabuoang bilang ng infections sa 1,247,899.
Ito na ang pang ika siyam na araw kung saan mahigit 5,000 ang mga naitatalang bagong kaso, pero hindi pa kasama sa bilang ang resulta mula sa apat na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos.
Ayon sa DOH, tumaas rin ang kabuoang bilang ng active cases sa 55,790, kung saan 93.6% dito ang mild, 2.0% anf asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.
Kaugnay nito, inanunsyo rrin ng DOH ang total recoveries na 1,170,752, matapos madagdagan ng 3,483 na mga bagong gumaling mula sa naturang respiratory disease, habang ang death toll ay tumaas sa 21,357 matapos maitala ang 199 na mga bagong fatalities. // MHEL PACIA