Hindi nakikita ni Albay Rep. Joey Salceda ang posibleng Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential at vice-presidential elections, bagama’t may nilagdaan umano siyang resolusyon.
Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos sabihing si Davao City mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio ay tatakbo pagkapangulo sa susunod na halalan.
Tinutukoy ng mambabatas ang resolusyon na ipinasa ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) party na naghihimok kay Pangulong Duterte na tumakbo sa vice presidential race, habang binibigyan rin ito ng kalayaan na pumili ng kanyang magiging running mate.
Paliwanag nito, kailangan parin na ikonsidera ang geographical balance, para manalo ang presidential daughter at mahalaga para sa maganda public policies, lalo na sa alokasyon ng national resources.
Samantala, walang duda para sa mambabatas na tatakbo sa mas mataas na government post si Mayor Sara. // MHEL PACIA