Personal na nagtungo sa himpilan ng Dolores Municipal Police Station (MPS) nitong Miyerkules, Hunyo 19 ang isang 71-anyos na lola para ireklamo ang isang ginang na umano’y nanakit sa kanya.
Sa kwento ng biktima, bandang alas-4:30 ng hapon noong Mayo 9, hinila umano ng anak ng suspek ang hose pipe sa harap ng bahay ng biktima habang ito ay naglalaro kung kaya napagalitan niya ito.
Makalipas lamang ang ilang sandali ay bigla na lang umanong dumating ang suspek at doon na nito sinabunutan ang biktima saka kinalmot ito sa mukha at kaliwang mata.
Nagtamo ng internal eye injury ang biktima kung saan hindi ito nakapag-trabaho sa loob ng sampung araw.
Samantala, dininig naman ang reklamo sa barangay subalit walang naging pagkakasundo sa pagitan ng suspek at ng biktima.