MARAHIL ay pamilyar kayo sa kwento ni Sarah, ang asawa ni Abraham na mga karakter sa Lumang Tipan ng Bibliya.
Sa loob ng maraming taong pagsasama ng dalawa, hindi sila nagkakaroon ng anak ngunit nang si Sarah ay nag edad 90-anyos, saka niya isinilang ang batang lalaki na ipinagkaloob sakanila ng Diyos na pinangalanang si Isaac.
Akala ng marami, sa Bibliya lamang ito mangyayari ngunit ang naturang kwento ay tila kahalintulad ng nangyari sa mag-asawang senior citizen na sina Gopichand at Chandravati ng bansang India.
Sa loob rin kase ng kanilang mahabang pagsasama bilang mag asawa at sa dami ng espesyalistang kanilang kinonsulta, hindi pa rin sila nagkaroon ng supling.
Dahil sa kagustuhan na magkaroon ng anak, komonsulta ang mag-asawa sa isang ‘in vitro fertility clinic’ at matapos ang dalawang beses na pagsubok at pagsasailalim sa ‘in vetro fertilization’ matagumpay na nagdalantao si Chandravati.
Bagaman naging maselan ang pagbubuntis dahil sa edad, ligtas namang naisilang ng matanda ang kanyang first born child.### JDR, BNFM BICOL