BICOL—Pumalo na sa kabuuang 17,602 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 112 na mga bagong kaso.
Ang lalawigan ng Camarines Sur ay nadagdagan ng 43 bagong kaso kung saan 15 nito ay mula sa Naga City, apat sa bayan ng Canaman, tatlo sa bayan ng Bula, tigdadalawa ang mga bayan ng Bombon, Libmanan, Magarao, Presentacion, San Jose, Tigaon at lungsod ng Iriga at tig-iisa naman ang mga bayan ng Baao, Cabusao, Camaligan, Garchitorena, Goa, Ragay at Sipocot.
39 ang bagong kaso sa Albay kung saan 19 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, pito sa bayan ng Daraga, lima sa lungsod ng Tabaco, dalawa sa bayan ng Bacacay at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Manito, Polangui, Sto. Domingo at Tiwi.
26 na bagong kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan walo nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa bayan ng Gubat, tatlo sa bayan ng Bulan, tigdalawa ang mga bayan ng Irosin, Magallanes, Pilar at Prieto Diaz at tig-isa ang bayan ng Castilla at Juban.
Ang Camarines Norte ay nagtala ng tatlong bagong kaso na mula sa mga bayan ng Daet, Jose Panganiban at Vinzons.
Bigo namang makapagpadala ng specimen ang lalawigan ng Catanduanes habang zero new case ang lalawigan ng Masbate. Habang isang positibo ang naitala na mula sa labas ng Bicol.
Pitong bagong pagkasawi ang nadagdag kung saan tatlo nito ay mula sa lalawigan ng Albay, dalawa sa Masbate at dalawa rin sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 549 ang death toll sa Bicol.
Samantala, mas mataas na recoveries ang nadagdag na umabot sa 148. Ang lalawigan ng Alba yang nagtala ng pinakamaraming bagong gumaling na umabot sa 47, sinundan ng Camarines Norte na may 38, Sorsogon na may 25, Camarines Sur na may 20 at Catanduanes na may 18. Sa kabuuan, umaabot na sa 10,750 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

