BNFM Bicol-KINILALA ng Department of Health (DOH) Bicol ang 7 mga Local Government Unit (LGU) sa islang probinsya ng Catanduanes dahil sa pagpapatupad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ito ang mga bayan ng Bagamanoc, Caramoran, Gigmoto, San Andres, San Miguel, Viga, at Virac na kung saan naging katuwang sa programa ang Catanduanes Provincial DOH Office.
Layunin ng proyektong ito na mapataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa “nutrition-specific and nutrition-sensitive” kontra pagkabansot o stunting na isa sa mga problema ng ating bansa. ### KENNETH BERMIL
Image: Catanduanes Government