Arestado ang 7 katao, kabilang ang tagapangasiwa at may-ari ng computer shop, makaraang salakayin ng mga pulis ang iligal na e-sabong, sa Purok 8, Brgy Sampaloc sa lungsod ng Sorsogon.
Kinilala ang mga nadakip na sina Joshua Belgica Rico, 20-anyos, binata, estudyante, operator at may-ari ng computer shop; Jorlan Toka Dio, 25-anyos, binata, construction worker; Ruel Furiscal Hamto, 28-anyos, binataa, vendor; Rolando Lasanas Castro Sr., 62-anyos, may asawa, construction worker; Jovy Belgica Cantalejo, 40-anyos, may asawa, vendor; Carlo Gracilla Lachica, 44-anyos binata, Tricycle driver at Roger Escultura Dilloson, 43-anyos, binata, vendor lahat residente ng nasabing barangay.
Ayon sa naantalang ulat mula sa Provl Special Operations Unit ng SPPO, ikinasa nila ang anti-illegal gambling operations katuwang ang 1PMFC sa nasabing barangay at ‘caught in the act’ ang mga suspek na tumatay sa online sabong.
Narekober dito ang perang taya at isang unit ng Peso Net computer.
Sa update na nakuha ng Brigada News, ang mga suspek ay nahaharap na sa kasong PD 1602 o illegal gambling at hinihintay na lang na ibaba ng korte ang kani-kanilang warrant of arrest.
