7 bagong kaso at 3 pagkasawi dahil sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 7 bagong kaso at 3 pagkasawi dahil sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon

Sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol, ang mga bagong kaso ay naitala mula sa bayan ng DAet at Labo na may tigdalawang kaso habang may tig-i-isang kaso mula sa mga bayan ng Basud, Mercedes at San Lorenzo Ruiz

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Umakyat naman sa 201 ang bilang nga manwalan ng buhay dahil sa COVID-19 habang walang naitalang nakarekober kung kaya’t nananatili ang bilang nito sa 2,493

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa kabuuan, pumapalo na sa 3,571 ang bilang ng mga indibidwal na  tinamaan ng virus simula ng maranasan ang pandemya