6,833 new COVID-19 cases; Active tally, 61,776 pa

Naiulat sa Pilipinas ang 6,833 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lomobo pa ang kabuoang bilang sa 1,346,276.

Dahil sa bagong infections, tumaas pa ang active cases 61,776, pero hindi kasama sa bilang ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng datos, on time.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Mula naman sa kasalukuyang may sakit, 92.2% ang mild, 3.7% ang asymptomatic, 1.7% ang severe, at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng DOH ang total recoveries na 1,261,115, matapos gumaling mula sa respiratory illness ang 3,441 pang pasyente, habang 110 ang naitalang bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 23,385. //MHEL PACIA-TRINIDAD