623 mga magsasaka, mangingisda nakatanggap ng fuel subsidy mula sa DA 12

KORONADAL CITY- NASA 623 na mga benepisyaryo sa agri-fishery sector ang nakatanggap ng fuel subsidy mula sa Department of Agriculture o DA Region 12 bilang ayuda sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kamakailan lamang, inirelease na ng DA 12 ang mga cash cards para sa Fuel Subsidy for Farmers and Fisherfolk (FDFF) Program sa General Santos City, at Alabel sa Saranggani.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Napag-alaman na ang 253 na mga identified-corn farmers at 370 na mangingida ay makakatanggap ng tig P 3,000 na halaga ng fuel.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Ito ay para sa lahat ng makinarya para sa corn production mula sa land preparation hanggang sa postharvest activities, at sa mga motorized boats para sa pangingisda.