Higit 18K new COVID-19 cases

Nagtala ang Department of Health ng 18,191 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 3,493,447.

Mula sa kabuoang bilang, 6.5% o 226,521 ang active cases, kung saan 214,857 ang mayroong mild symptoms; 6,875 ang walang sintomas, 2,971 ang nasa moderate condition; 1,509ang may severe symptoms; at 309 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, tumaas naman ang death toll sa 53,736 o 1.54% ng kabuoang infections, matapos na masawi ang 74 na pasyente, habang may 22,014 pang indibidwal na gumaling mula sa viral illness, dahilan para umakyat sa kabuoang recovery count sa 3,213,190 o 92% ng COVID-19 total.

Samantala, sinabi ng DOH na dalawa lang na mga laboratoryo ang hindi nakasumite ng kanilang datos. //MHEL PACIA-TRINIDAD