6 tiklo sa tupada sa Batangas

IBAAN – Nakakulong na ngayon ang anim na kalalakihan matapos na maaresto sa ikinasang operasyon kontra iligal na sabong o Tupada sa Brgy. Pangao, Ibaan, Batangas, pasado alas-10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Ibaan Municipal Police Station ang mga suspek na sina Florante Anuran y Vicenal, 33-anyos; Joaquin Rivero y Maranan, 54 anyos; Lito Jiminez y Nuarin 39; Salvador Palima y Pagiuo, 56; Israel Rocio y Larong, 38 anyos at Teotimo Testa y Dichos, 62 anyos.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ayon sa imbestigasyon, akto ang mga suspek na nahuli ng mga operatiba na naglalaro ng iligal na sabong.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Narekober mula sa mga ito ang limang manok, apat na tari at 2,270.00 pesos.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 449 “Cockfighting Law of 1974”.