6 na suspek sa pagkawala ng mga sabungero tukoy na ng CIDG

Tukoy na ng Criminal Investigation and Detection Group ang anim na suspek na posibleng may kinalaman sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa isinagawang senate hearing, inilahad ni CIDG Director PMGen. Eliseo Cruz na hawak nila ang isang vital witness na umano’y nakakita kung papaano isinakay ang ilan sa mga nawawalang sabungero ng mismong mga security personel ng Manila Arena.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Maliban dito lumabas din sa pagsisiyasat na sa kabila ng pagkawala, nagkaroon ng ATM withdrawal sa account ng Melbert Santos, isa sa mga nawawalang sabungero.

Sa ngayon ayon kay Cruz ay nagsasagawa na sila ng manhunt operation sa lalaking nakunan ng CCTV na nagwithdraw sa ATM ng biktima sa araw ng pagdukot sa mga ito.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Samantala bagama’t hindi pinangalanan ang mga suspek, inihahanda na umano ng CIDG ang kasong kidnapping at serious illegal detention sa mga natukoy na salarin.