6 na public hospitals sa Maynila, mag-a-admit lamang ng severe at critical COVID-19 cases

Inanunsyo ng Lungsod ng Maynila na tanging ang mga severe at critical COVID-19 cases na lamang ang i-a-admit ng anim na pampublikong ospital.

Base  ito sa bagong direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno.

Kasama sa mga nasabing ospital ang Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos Medical Center, Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, at New Ospital ng Maynila.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ang nasabing pagbabago ng polisiya ay ginawa matapos ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Ayon kay Moreno, layon ng direktiba na magamit ang ospital para sa orihinal nitong layunin na mabigyan ng medikal na atensyon ang iba pang mga sakit tulad ng cancer o diabetes.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Nilinaw naman ng alkalde na pwede pa rin ma-admit ang mga may mildy symptoms ngunit may ibang karamdaman.