6 na pasahero iniwan ng colorum van sa Pioduran, Albay nireklamo

LEGAZPI-Agad na rumesponde ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa bayan ng Pioduran, Albay matapos magreklamo ang isang isang pamilya o anim na pasahero nang itoy iwanan lamang ng isang itim na van sa madilim na lugar ng nasabing bayan.

Ayon kay MDRRMO Head Noel Orduna, matapos ang reklamo, agad nilang nacontact ang driver na si Ronnie Rosas at dito natuklasan na colorum ang minamaneho nitong sasakyan.

Dagdag pa nito, tsinesyenmpuhan din ng driver na gabi bumyahe dahil umiiwas sa checkpoint.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon sa pamilya, na binubuoo ng mag asa, senior citizen at 23 mga bata, siningil sila ng aabot sa 13 thouand pesos simulang Cubao subalit pagdating sa Pioduran Port, dito na nalaman na wala itong S pass at kulang ang mga dokumentos dahil sa paniwalang inayos umano ng driver.

Bumalik naman umano ang driver matapos na ihatid ang ilang mga pasahero papuntang sorsogon para ayusin ang problema.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa ngayon, ayon kay Orduna, hindi umano nila dinakip ang ang nasabing colorum na sasakyan dahil wala silang kakayanan na hulihin ito at tanging PNP at LTFRB ang dapat magbigay ng kaukulang penalidad.

Nagbigay na rin ito ng impormasyon sa mg dadaanang tungkol sa nasabing van.

Maliban rito, napag-alaman rin na labas pasok na rin ito sa Bicol Region para magtransport ng mga pasahero.