NAGA CITY- Dinagsa ang anim na mga sementeryo sa Naga City nitong All Saints Day at pagsalubong sa paggunita ng All Souls Day.
Ang mga himlayan na ito ay ang Sto. Niño Memorial Park, Eternal Gardens, Peñafrancia Public Cemetery, Laloma , Concepcion Pequeña Public Cemetery at Heavenly Peace.
Kahapon ng tanghali umuulan-ulan pero pagsapit ng hapon , sa pagkagat ng dilim at kinagabihan dagsa na ang mga bumibisita sa mga puntod.
Samantala dalawa sa mga tumungo sa isang pampublikong sementeryo sinabing nawawala ang buto ng kanilang kaanak. Ayon kay Nanay Nancy ng Naga, titirik sana sila ng kandila para sa pamangkin, pero iba na ang nakalibing.
Ganito rin ang sitwasyon ng kaanak ni Lei, hindi aniya sila naabisuhan na aalisin na ang mga buto at may ililibing na iba.
Ayon sa caretaker na si Jaime Jacob, nag abiso sila sa lahat lalo na nag mga sobra na sa limang taon. Kung mayroon aniyang hindi nabatid, tumungo sa kanilang opisina dahil may label at naitago naman ang mga buto.