6 na kalalakihan, huli sa paglalaro ng tupada sa Batangas City

Timbog ang anim na mga kalalakihan matapos maaktuhang naglalaro ng tupada sa Sitio Centro San Miguel, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Anthony Asi y Magpantay, 25 anyos; Michael Cuz y Cuz, 36 anyos; Romulo Sarmiento y Vico, 55 anyos; Leo Andal y Malaluan; Welson Guico y Cuz, 45 -anyos, at Adrian Alo y Dapog, 20-anyos.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa report ng Batangas CPS, bandang alas-11:15 ng umaga nitong July 23, 2023 nang maaktuhan mismo ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng tupada.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Narekober sa mga ito ang dalawang panabong na manok at pustang ₱900.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 499.