Lalaki, arestado sa pagdadala ng baril sa isang bar sa Tanauan City, Batangas

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng baril habang nasa isang bar sa Barangay Poblacion 3, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng ng Tanuan City Police Station ang suspek na si Aljohn Manalo y Capilar, 31 anyos, single, isang cargo screener at kasalukuyang ninirahan sa Barangay Darasa ng naturang siyudad.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Batay sa report, bandang alas-10:00 ng gabi nitong July 22, 2023 nang magsagawa ng Oplan Bakal ang Tanauan CPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha mula sa kanya ang isang maikling uri ng baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Kasama pa rito ang isang magazine at apat na mga bala.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Law on Firearms and Ammunition”.