6 na kalabaw sa Sorsogon, pinagtataga

SORSOGON CITY – Pinagtataga ng hindi pa nakikilalang salarin ang 6 na kalabaw sa Brgy Macabog sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador ng nasabing kaso, hinala umano nila na napag-tripan lamang ang mga alagang hayop na pag-aari ng tatlong pamilya dahil ayon sa salaysay ng mga ito, wala naman daw silang nakaalitan.

Ayon pa sa isang may-ari ng kalabaw, ang dalawa umano dito ay buntis.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ikinadismaya naman ng miyembro ng Konseho ng Barangay ang nasabing insidente na nangyari dakong alas 3:00 ng madaling araw noong Sabado.

Ayon sa Punong Barangay na si Jek Jek Laguidao, posible nga na napag-tripan lamang ang mga hayop dahil kung planong nakawin ang mga ito, ay hindi na sana pinagtataga pa.

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya at target nilang imbestigahan ang lahat ng kilalang mga ‘offenders’ at drug users sa nasabing lugar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nabatid na hindi ito ang unang napaulat ng ‘animal cruelty’ sa nasabing barangay, una nang napaulat noon ang isang baka na pinagsasaksak.

Kinatay na lamang ng mga may-ari ang kanilang mga alagang hayop na pawang mga may tama ng taga sa paa at katawan nito.

PHOTOS: brigada News FM-Sorsogon