6 na Bicolano, pasok sa top 10 highest ranking ng electrical engineer licensure examination at master electricians ngayong Setyembre 2022

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol na anim na mga Bicolano ang pasok sa Top 10 highest ranking ng Electrical Licensure Examination at Master Electricians ngayon lamang na buwan ng Setyembre 2022.

Dalawa rito ang pasok sa Top 10 electrical licensure examination na sina Engr. Jaymel Roselo Hiloma, Top 6 na nakakuha ng 90.20% at nagtapos sa Sorsogon State University at Jay Sta. Ana Prado, nakakuha ng 89.30% mula sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology sa Naga City, Camarine Sur.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Pasok din sa Top 10 Master Electricians sina Eugene De Hita Bernisca bilang Top 5 na nakakuha ng gradong 93% mula sa Sorsogon State University, sinundan ito ni Lorife Sitchon Lafuente bilang Top 7 na nakakuha naman ng 92%, Daniel Ezra Destura Octeza bilang Top 8 na nakakuha rin ng 91.50% mula sa Bicol University at Ryan Christian Payte Dagsil bilang Top 10 na may gradong 90.50% at mula rin sa parehong pamantasan.

Ayon naman kay Jerome Bañes, Chief Public Relation Officer ng tanggapan, umabot sa 214 ang examiness para sa Registered Electrical Licensure Examination habang nasa 267 naman sa Registered Master Electrician Examination nito lamang buwan ng Setyembre.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa ngayon ay wala pang nilalabas ang ahensya na kabuuhang pumasa sa buong Bicol sa nasabing examination dahil sa hindi pa ito nakakapag-tabulate.

Inaasahan din na sa mga susunod na linggo ay ilalabas din ng PRC ang kabuuhang bilang ng mga pumasa sa Electrical Licensure at Master Electrician Examination.