6 na barangay sa Quezon Palawan, inabisuhang ipasa sa tamang oras ang hiling na budget sa SB

Inaabisuhan ng Sangguniang Bayan ng Quezon sa nakalipas na Committee Meeting nito ang anim (6) na mga barangay sa Quezon na magsumite sa tamang oras ng annual at supplemental budget upang masuri ng Sanggunian.

Itoy upang makatulong sa pagpapataas ng makukuhang marka at makapasok sa Seal Of Good Local Governance dahil ang mga barangay ay nasa ilalim ng Local Government Unit.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang mga barangay na inabisuhan ay Brgy. Tabon, Panitian, Sowangan, Isugod, Alfonso XIII, at Barangay Berong.

Napag-alaman kasi ng konseho na huli na ang mga ito nakakakapasa ng kanilang mga panukalang budget na posibleng maging dahilan ng problema sa pag-o-audit.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Dagdag pa ng mga mambabatas ay dapat bago matapos ang buwan pa lamang ng Oktubre noong 2022 ay naipasa na dapat ito ng mga Barangay nang sa gayon ay hindi magka-problema.