CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga otoridad arresto bandang alas 12:20 ng hapon nitong Abril 3, 2022 sa Purok 1, Barangay Osmeña, Jose Panganiban, Camarines Norte. ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dahil sa kasong kinakaharap nito sa probinsya ng Quezon
Hindi na nakapalag ang akusado na si alyas “Badong”, 32 anyos, binata, isang minero at residente ng Barangay Camagong, Alabat, Quezon matapos itong silbihan ng mandamiento de aresto sa ikinasang manhunt Charlie operation ng Jose Panganiban MPS kaagapay ang Alabat MPS
Ang Warrant of Arrest ay nagmula sa sala ni Hon. Roslyn Rabara Tria, Presiding Judge ng RTC Branch 94, Quezon City para sa tatlong (3) bilang na kasong paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 o RA 8353 na may petsang Marso 1, 2022
Ang kasong isinampa laban kay Alyas Badong ay walang nakalaang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang nabanggit na akusado ay ang nakatala bilang Top 2 Provincial Most Wanted ng Quezon PPO, PRO4A.
Sa kasalukuyan, ang nasabing akusado ay nasa kustodiya na ng mga tauhan ng Alabat MPS, Quezon, PPO, PRO4A para sa kaukulang disposisyon
