Hindi pabor si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa pagluluwag ng mask mandate sa mga paaralan sa gitna ng panunumbalik ng face-to-face classes.
Sa pagbubukas ng bagong molecular laboratory sa Pasig Doctors Medical Center, nanindigan si Vergeire na non-negotiable ang mask wearing sa mga guro at mga learners.
Tinabla rin nito ang mga akusasyong nakasasama ang pagsusuot ng face masks sa mga kabataan at ang panawagan ng isang miyembro ng OCTA Research na ‘wag nang pagsuotin ng maskara ang mga estudyante.
Ayon kay Vergeire, maliit na sakripisyo lang naman ang pagsusuot nito at katumbas naman niyan ang proteksyon sa mga kabataan maging sa kanilang mga pamilya.
Kaugnay nito, nakatakda namang i-review ng DOH ang kanilang mga polisiya para mag-align sa inisyung Executive Order ng Pangulo.
Kabilang na rito ang mga lalamanin ng ipinatutupad na minimum public health standards.
Muli namang nanindigan si Vergeire na ‘highly-encouraged’ pa rin ang ang mandatory wearing of face masks sa mga immunocompromised individuals, mga senior citizens, at mga komyuter sa t’wing sasakay sila sa public transportation.
Nag-aapply lamang umano ang liberalization ng mask mandate sa mga low-risk individuals, at mga low-risk areas kagaya ng open spaces na mayroong maayos na bentilasyon.
#