6 katao, huli sa aktong nagsa-shabu sa boarding house; 2 criminology students, arestado

Arestado ang anim na katao sa drugs operation ng pulisya sa Brgy. Poblacion 1, Coron, Palawan nitong Lunes, ika- 3 ng Abril.

Ang mga inaresto ay sina Paul Jayson Gujilde, 31 anyos, Marialyn Cuaton, 43 anyos, Atoyco Martinez, 30 anyos, Mico Escaran, 19  anyos, Ken Egan Alolod, 18 anyos (criminology student), Dave M. Batiancila, 19 anyos (crim. student).

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Ayon kay PLT. MARVIN HERRERA ng Coron PNP, nahuli nila sa akto na nagsasagawa ng pot session ang mga suspek.

Nakatanggap umano ang pulisya ng sumbong na on-going ang “pagbabatak” ng shabu ng mga suspek bandang alas-diyes ng gabi ng Lunes kaya agad nilang pinuntahan ang boarding house.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Hindi na nakapalag sa pulisya ang mga suspek nang makuha ang mga ebidensya pero todo- tanggi ang mga ito.

Nahaharap ang anim na nahuli sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.