Nawawalang tripulanteng Pilipino na sakay ng MV Tutor patay na – Amerika

Kinumpirma ng America na patay na ang nawawalang tripulanteng Pilipino na sakay ng MV Tutor na inatake ng grupong Houthi sa Red Sea.

Ayaw namang kumpirmahin ng gobyerno ng Pilipinas na patay na ang crew ng MV Tutor.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo De Vega hindi nila alam kung ano ang basehan ng White House pero umaasa silang buhay pa ang tripulanteng Pilipino.

Ang mga pag-atake ng grupong Houthi sa mga barkong dumaraan sa Red Sea ay bilang pagsuporta nila sa Palestine sa gitna ng giyera sa Israel at Hamas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *