Ukriane President Zelensky dinalaw ang mga sundalo sa Kharkiv region

Dinalaw ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang kanyang mga sundalo sa Kharkiv region na isa sa mga sinalakay ng Russian troops.

Ito ang kauna-unahang biyahe ni Zelensky sa labas ng Kyiv mula nang lusubin sila ng Russia noong Pebrero 24.

Pinasalamatan ni Zelensky ang kanyang mga sundalo para sa kanilang serbisyo at pagmamahal sa kanilang bansa.

Base sa video na ibinahagi ni Zelensky, sinabi niyang nasa 2,229 na gusali ang nasira sa Kharkiv at iba pang bahagi ng rehiyon kasabay ng pangakong muli nilang itatayo at ibabalik ang takbo buhay na naapektuhan ng giyera.

Ayon sa report, matapos ang ilang araw na pananahimik, muli na namang binobomba ng Russian troops ang Kharkiv na ikalawang pinakamalaking lungsod sa Ukraine.