Sumailalim sa monitoring ng Department of Trade and Industry-Isabela Consumer Protection Division ang 56 na firms at 4 na BAGWIS nominees ng lalawigan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Briagada News FM Cauayan, ang nasabing business establishments ay kinabibilangan ng mga groceries, hardware stores, at repair and service shops mula City of Ilagan, Echague at Alicia, Isabela.
Sinuri ng DTI- Isabela ang mga establishimento kung nasusunod nila ang Price Tag Law at Business Name Law sa ilalim ng Fair Trade Laws.
Habang sumailalim naman sa assessment ang 4 na BAGWIS nominees sa ilalim ng BAGWIS Seal of Excellence Program na layong bigyan ng pagkilala ang mga negosyo na pinapahalagahan ang proteksyon ng mga consumer.
Samantala, hinikayat din ng DTI Isabela na magkaroon ng Consumer Welfare Desks (CWDs) o Customer Relations Office sa loob ng mga establishimento na magsisilbing mekanismo upang agarang matugunan ang reklamo ng mga konsyumer.